Sa isang artikulong inilabas Sabado, Disyembre 20, 2018, ng Korean Central News Agency, ipinahayag nito na dapat magkasamang magsikap ang Amerika at Hilagang Korea para maisakatuparan ang ligtas na Korean Peninsula sa sandatang nuklear. Anito, dapat itigil ng Amerika ang ostilong patakaran, at alisin ang sangsyon laban sa Hilagang Korea, sa halip ng pagpapataw ng presyur sa North Korea.
Anang artikulo, ang walang tigil na pagsasagawa ng Amerika ng bantang nuklear sa Hilagang Korea ay pinag-uugatan ng pagpapaunlad nito ng sandatang nuklear. Kung talagang nais maisakatuparan ang ligtas na Korean Peninsula sa sandatang nuklear, dapat munang ganap na alisin ng Amerika ang nasabing banta sa Hilagang Korea, anito pa.
Salin: Li Feng