|
||||||||
|
||
Isang liham ang ipinadala nitong Linggo, Disyembre 30, ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) kay Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea (ROK).
Ito ang ipinatalastas ng Blue House, palasyong pampanguluhan ng Timog Korea.
Sa liham, ipinahayag ni Kim ang kahandaang madalas na makipagtagpo kay Moon sa taong 2019 para mapasulong ang mga talastasang pangkapayapaan at pangkasaganaan ng Korean Peninsula at magkasamang malutas ang denuclearization ng peninsula.
Sinabi rin Kim na sa tatlong pagtatagpo nila ni Moon sa kasalukuyang taon, nagsagawa sila ng mga substantibo at matapang na habangin at bunga nito, naibsan ng mga mamamayan ang tensyong military at takot sa digmaan.
Ipinahayag din ng katas-taasang lider ng Hilagang Korea ang marubdob na mithiing makadalaw sa Timog Korea sa hinaharap.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |