Ayon sa Korean Central News Agency, mula Pebrero 12 hanggang 13, 2019, idinaos sa Geumgangsan ng mga organisasyong di-pampamahalaan mula sa Hilaga at Timog Korea ang serye ng aktibidad bilang panalubong sa bagong taon.
Nanawagan ang mga kalahok na kinatawan na pabilisin ang pagpapatupad ng mga deklarasyon ng dalawang bansa na gaya ng "Panmunjom Declaration" at "Pyongyang Joint Declaration of September" para mapasulong ang pagtatamo ng bagong progreso ng relasyon ng Hilaga at Timog Korea.
Salin: Li Feng