Sa kanyang State of the Union address nitong Martes, Pebrero 5, local time sa Washington D.C., sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na makikipagtagpo siya kay Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) sa darating na Pebrero 27-28 sa Vietnam.
Ani Trump, bilang bahagi ng bagong diplomasya, ipinagpapatuloy niya ang makasaysayang pagpapasulong ng kapayapaan ng Korean Peninsula. "Maraming mga dapat gawin, pero mainam ang aking pakikipag-ugnayan kay Kim," dagdag pa ni Trump.
Salin: Jade
Pulido: Mac