Ipinahayag kamakailan ni Philip Davidson, Komander ng United States Indo-Pacific Command na bunsod ng mga ginagawang aksyon ng panig Tsino sa South China Sea, dapat muling isaalang-alang ng Amerika at mga kaalyadong bansa nito ang pagde-deploy ng mga sundalo at konstruksyon ng military base sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Pebrero 14, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na layon ng nasabing pananalita ng mataas na opisyal na militar ng Amerika na humanap ng katuwiran upang magsagawa ng mga aksyong militar sa South China Sea at rehiyong Asya-Pasipiko. Umaasa aniya ang panig Tsino na pahahalagahan ng mga kaukulang bansa ang ginagawang pagsisikap at positibong mithiin ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Salin: Li Feng