Ipinatalastas Miyerkules, Pebrero 13, 2019 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon laban sa 2 entidad at 9 na indibiduwal ng Iran. Anito, dahil sa hinalang may kinalaman ang mga ito sa cyber activity at intelligence activity na nakakatuon sa mga mamamayang Amerikano, kaya ipinataw ang nasabing sangsyon.
Ayon sa pahayag, ipapa-freeze ang ari-arian ng nasabing mga entidad at indibiduwal sa loob ng Amerika, at pagbabawalan ang mga mamamayang Amerikano na makipag-transaksyon sa kanila.
Sa kanya namang pahayag sa sarili niyang website nang araw ring iyon, sinabi ni Ayatollah Ali Khamenei, Kataas-taasang Lider ng Iran, na imposibleng malutas ang mga umiiral na isyu ng Iran at Amerika, sa pamamagitan ng diyalogo. Diin niya, hindi mapagkakatiwalaan ang Amerika at ilang bansang Europeo.
Salin: Vera