Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa purok-hanggahan ng lalawigang Yunnan na malapit sa Myanmar, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat pangalagaan ang katatagan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar at pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Wang, na ang katatagan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar ay mahalagang bahagi ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Hiniling niya sa mga lokal na departamento ng Yunnan, na pahigpitin ang pakikipagkoordina sa panig ng Myanmar, para palakasin ang pangangasiwa sa hanggahan, pangalagaan ang kaayusan sa hanggahan, at igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa purok-hanggahan. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng panig Tsino, na patuloy na magbigay-tulong sa Myanmar para sa prosesong pangkapayapaan nito, at puspusang pasulungin ang konstruksyon ng China-Myanmar Economic Corridor at sona ng kooperasyong pangkabuhayan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai