
Binuksan kahapon, Martes, ika-29 ng Enero 2019, sa Chinese Cultural Centre sa Yangon, Myanmar, ang eksibisyon ng mga intangible cultural heritage mula sa lalawigang Yunnan ng Tsina.


Sa panahon ng kanilang pagbisita sa eksibisyon, kapwa ipinahayag nina Wang Xuehong, asawa ni Embahador Hong Liang ng Tsina sa Myanmar; at Aung Naing Myint, Rektor ng National University of Arts and Culture Yangon, na ang aktibidad na ito ay magandang pagkakataon para dagdagan ng mga mamamayan ng Myanmar ang kaalaman at pagkaunawa sa makukulay na tradisyonal na kultura ng Tsina. Ito rin anila ay makakatulong sa pagpapalakas ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai