Nagpulong kahapon, Biyernes, ika-22 ng Pebrero 2019, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para pag-aralan ang hinggil sa pagpapabuti ng serbisyong pinansyal at pagpigil sa mga panganib na pinansyal.
Sa pulong, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na dapat malalim na maunawaan ang kalagayang pinansyal sa loob at labas ng bansa, pasulungin ang supply-side structural reform sa pinansyo, at palalimin ang pagbubukas ng pinansyo sa labas. Hiniling din niyang, palakasin ang kakayahan ng pinansyo sa paglilingkod sa real economy, balansehin ang relasyon sa pagitan ng pagpapatatag ng paglaki ng pinansyo at pagpigil sa mga panganib na pinansyal, at pasulungin ang malusog na pag-unlad ng industriyang pinansyal ng Tsina.
Salin: Liu Kai