Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nakipagtagpo sa U.S. Trade Representative at Treasury Secretary

(GMT+08:00) 2019-02-15 19:38:02       CRI

Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin, na nandito para sa bagong round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa isyu ng kabuhaya't kalakalan.

Tinukoy ni Xi, na nagkakaroon ang Tsina at Amerika ng malawak na komong interes at mahalagang responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng daigdig. Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at komong hangarin ng komunidad ng daigdig. Sinabi ni Xi, na sa pagtatagpo noong nagdaang Disyembre sa Argentina, narating nila ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang hinggil sa pagpapasulong sa koordinado, kooperatibo, at matatag na relasyong Sino-Amerikano.

Dagdag ni Xi, pagkaraan nito, isinagawa ng dalawang panig ang ilang round ng pagsasanggunian, para lutasin ang hidwaan sa kabuhaya't kalakalan sa pamamagitan ng kooperasyon. Aniya, nitong nakalipas na dalawang araw sa Beijing, nagtamo ng ilang progreso ang kasalukuyang round ng pagsasanggunian, at sa susunod na linggo, idaraos naman ang bagong round sa Washington DC. Ipinahayag ni Xi ang pag-asang, patuloy na magsisikap ang dalawang panig, para marating ang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Ipinahayag naman nina Lighthizer at Mnuchin, na mahalaga ang relasyong pangkalakalan ng Amerika at Tsina, at nagsisikap ngayon ang dalawang panig para ipatupad ang komong palagay ng mga lider. Anila, nitong dalawang araw na nakalipas, tinalakay ng dalawang panig ang mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at natamo ang bagong progreso sa mga mahalaga at mahirap na isyu. Dagdag nila, sa susunod na yugto, pahihigpitin ng panig Amerikano, kasama ng panig Tsino, ang pag-uugnayan, at pag-iibayuhin ang pagsisikap, para marating ang kasunduang angkop sa interes ng kapwa panig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>