Sa isang panayam sa Biyetnam, ipinahayag nitong Linggo, Pebrero 24, 2019, ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya na hanggang sa ngayon, wala pang katanggap-tanggap na kondisyon para lagdaan ang kasunduang pangkapayapaan ng Rusya at Hapon. Aniya, hindi payag ang panig Ruso na magkaroon ng talastasan alinsunod sa ginawang kondisyon ng panig Hapones.
Ipinahayag kamakailan sa Dieta ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na para lutasin ang isyu ng paglagda sa kasunduang pangkapayapaan ng Hapon at Rusya, dapat sundin ang mga ginawang kondisyon ng panig Hapones. Tungkol dito, sinabi ni Lavrov na hindi niya alam kung saan nagmumula ang kompiyansa ni Abe.
Salin: Li Feng