|
||||||||
|
||
Nagkakaisa ang Tsina, India at Rusya sa ibayo pang pagpapasulong ng koordinasyon at kooperasyon para igiit ang multilateralismo at labanan ang terorismo.
Ang pagkakasundo ay narating ng mga ministrong panlabas ng nasabing tatlong bansa nitong Miyerkules, Pebrero 27, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Idinaos nang araw ring iyon ang ika-16 na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng naturang tatlong bansa. Lumahok dito sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina; Sushma Swaraj, Ministro ng mga Suliraning Panlabas ng India; at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.
Pagkatapos ng pagtatagpo, humarap ang mga tatlong ministro sa mga mamamahayag.
Sina Wang Yi (gitna), Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina; Sushma Swaraj (sa kanan), Ministro ng mga Suliraning Panlabas ng India; at Sergei Lavrov (sa kaliwa), Ministrong Panlabas ng Rusya
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |