New Delhi, India—Mula noong ika-29 hanggang ika-30 ng Enero, 2019, idinaos ang ika-13 pulong ng mekanismo ng konsultasyon at koordinasyon ng Tsina at India sa mga suliraning panghanggahan. Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa mga ministring panlabas, ministring pandepensa at ibang departamento ng dalawang bansa.
Sinariwa ng kapuwa panig ang kalagayan ng purok-hanggahan ng dalawang bansa sapul nang idaos ang nagdaang pulong. Malaliman din silang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan, at pagkakamit ng "maagang bunga" ng nasabing konsultasyon. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na gagawing patnubay ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at ibayo pang palalakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordina, ayon sa awtorisasyon ng mga espesyal na kinatawan sa isyung panghanggahan ng dalawang bansa. Diin din sa pulong, magkasamang pangangalagaan ng magkabilang panig ang kapayapaan at katatagan ng purok-hanggahan, at pasususlungin ang tuluy-tuloy na pagbuti ng relasyong Sino-Indian.
Salin: Vera