Inilabas ng Ministri ng Agham at Teknolohiya ng Tsina nitong Miyerkules, Pebrero 27, ang sampung pinakamagaling na tuklas na pansiyensiya ng bansa noong 2018. Pinili ang mga ito ng aabot sa 2,600 dalubhasa sa agham mula sa Chinese Academy of Sciences, Chinese Academy of Engineering at iba pang departamentong akademiko.
Kabilang sa nasabing sampung pananaliksik ay macaque monkey cloning, kauna-unahang single-chromosome yeast, ketamine for antidepression, DNA nanorobot para sa paggamot sa kanser, precise measurements ng gravitational constant, pagdetekta ng Dark Matter Particle Explorer (DAMPE) ng Tsina ng mahihiwagang signal, breakthrough sa pananaliksik sa estruktura ng tubig, teknik hinggil sa super-resolution imaging, pagtatanim ng mga pagkaing-butil sa balanseng paraan, at pagtuklas ng mga ebidensya ng kabayanan noong Early Pleistocene sa Shangchen, Loess Plateau ng Tsina.
Dalawang cloned macaque na pinangalanang Zhong Zhong at Hua Hua sa Non-Human-Primate Research Facility ng Chinese Academy of Sciences , Enero 22, 2018. (Xinhua/Jin Liwang)
Salin: Jade
Pulido: Rhio