|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Martes, Enero 8, sa Beijing ang taunang National Science and Technology Award Conference ng Tsina para sa taong 2018. Sa komperensya, 278 proyekto ang kinilala. Kabilang dito, 38 ang ginawaran ng State Natural Science Award, 67 ng State Technological Invention Award, at 173 ng State Scientific and Technological Progress Award. Ang mga proyekto ay may kinalaman sa mga masusing teknolohiya na sumusuporta sa pambansang kaunlarang pangkabuhaya't panlipunan, at mga inobasyon ng pagpapasulong ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Dalawang akademisyan na sina Liu Yongtan at Qian Qihu ang pinarangalan ng pinakamataas na gawad na pansiyensiya ng Tsina. Si Liu, na akademisyan ng Chinese Academy of Sciences (CAS) at Chinese Academy of Engineering (CAE), ay propesor ng Harbin Institute of Technology. Samantala, si Qian, akademisyan ng CAE, ay propesor mula sa Army Engineering University.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang naggawad ng medalya at certificate sa nasabing dalawang siyentista.
Si Pangulong Xi (gitna), kasama ng dalawang akademisyan na sina Liu Yongtan (kanan) and Qian Qihu (kaliwa)
Si Pangulong Xi (kanan) habang naggagawad ng medalya kay Liu Yongtan (kaliwa)
Si Pangulong Xi (kanan) habang naggagawad ng medalya kay Qian Qihu (kaliwa)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |