|
||||||||
|
||
Nanawagan si Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina sa ibayo pang pagsisikap ng iba't ibang panig ng bansa para mapasulong ang integratado at koordinadong pag-unlad ng Beijing, Tianjin at lalawigang Hebei.
Sa isang may kinalamang pulong nitong Huwebes, Pebrero 28, hiniling ni Han ang pagkakaroon ng bagong breakthrough sa pagpaplano at konstruksyon ng Xiongan New Area sa Hebei at Beijing Subcenter sa Tongzhou, distrito sa dakong silangan ng Beijing; pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at magkakasamang pagtatatag at pagbabahaginan ng mga serbisyong pampubliko ng Beijing, Tianjin at Hebei.
Noong 2014, inilunsad ng Tsina ang estratehiya para pagsama-samahin ang pag-unlad ng Beijing, kasama ng Tianjin, kapit-baybaying lunsod ng Beijing, at lalawigang Hebei. Tinatawag na Jing-jin-ji ang rehiyong binububo ng nasabing tatlong lugar.
Layon ng nasabing estratehiya na ilipat ang mga non-capital function sa labas ng Beijing para tugunan ang problema ng siksikang pantrapik at polusyon sa kabisera ng Tsina.
Noong Abril, 2017, ipinatalastas ng Tsina ang pagtatatag ng Xiongan New Area para sa non-capital function ng Beijing. Ang Xiongan New Area na 100 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Beijing ay sumasaklaw sa tatlong county ng Hebei.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |