|
||||||||
|
||
Noong Marso 8, 2017, nang dumalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Lalawigang Sichuan sa ika-5 sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat buong tatag na mapagtagumpayan ang laban sa pagpawi sa kahirapan, at pabutihin ang iba't ibang gawain gaya ng pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan, pagpapasulong sa reporma, pagsasaayos sa estruktura, paghahatid ng benepisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan, pagpigil sa panganib at iba pa.
Upang ipatupad ang kahilingan ni Pangkalahatang Kalihim Xi, tuluy-tuloy at masigasig na pinasulong ng Lalawigang Sichuan ang gawain ng pagpawi sa kahirapan, at nilikha ang bagong kabanata ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.
Noong 2018, 1.04 milyong mamamayan sa lalawigang ito ang nai-ahon mula sa kahirapan, at 3,513 nayon ang nakahulagpos sa kahirapan.
Sa kasalukuyan, nabawasan sa 710,000 ang bilang ng mahihirap na populasyon sa Sichuan noong katapusan ng 2018, mula 2.72 milyon noong katapusan ng 2016.
Ayon kay Liu Yan, Direktor ng Departamento ng Impormasyon at Estadistika ng Kawanihan ng Pagbibigay-tulong sa Kahirapan at Paggagalugad ng Lalawigang Sichuan, na ilang kinakailangang patakaran sa pagbibigay-tulong at pagsuporta sa mga mamamayang nai-ahon mula sa kahirapan ang ipapatupad, upang maigarantiyang magkasabay silang tumungo sa may kaginhawahang lipunan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |