Sa panahon ng taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) mula 2013 hanggang 2018, magkakasunod na dumalo at bumigkas ng talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa sesyong plenaryo ng delegasyon ng People's iberation Army (PLA) at People's Armed Police kung saan iniharap ni Xi ang isang serye ng bagong ideya, teorya, at kahilingan.
Nitong anim (6) na taong nakalipas, mataimtim na isinasakatuparan ng buong hukbo ang diwa ng talumpati ni Xi, at buong tibay na tiniyak ang katayuang pampatnubay ng ideya ng Xi sa pagpapalakas ng hukbo. Bunga nito, nagkaroon ang hukbong Tsino ng matatag na hakbang sa landas ng pagtatatag ng malakas na hukbo na may katangiang Tsino.
Salin: Li Feng