Ipinahayag Biyernes, Marso 1, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asa ng panig Tsino na gagawa ang komunidad ng daigdig ng mga bagay na makakabuti sa katatagang pang-estado, kaunlarang pangkabuhayan, at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Venezuela. Sa paunang kondisyon ng paggalang sa soberanya ng Venezuela, dapat aniyang ipagkaloob ng komunidad ng daigdig ang konstruktibong tulong sa nasabing bansa para mapasulong ang maayos na paglutas sa mga kaukulang isyu sa lalong madaling panahon. Ang anumang aksyong isinasagawa ng United Nations Security Council (UNSC) sa isyu ng Venezuela ay dapat umangkop sa nasabing mga prinsipyo, dagdag pa niya.
Inulit ni Lu na naninindigan ang panig Tsino na dapat pagpasiyahan ng mga mamamayan ng Venezuela ang mga suliranin ng bansang ito. Diin niya, ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ay angkop sa pundamental na kapakanan ng bansa at mga mamamayan ng Venezuela.
Salin: Li Feng