Nitong unang tatlong buwan sapul nang pairalin ng Tsina ang pinakahuling rebisadong batas sa buwis, mahigit 70 milyong mamamayang Tsino ang nakinabang dito. Umabot sa 100 bilyong yuan RMB ang kabuuang nabawasang income tax ng bansa.
Ito ang ipinahayag ngayong araw ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng ika-2 sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Ang taunang sesyon ay nakatakdang magbukas bukas ng umaga.
Noong 2018, isinagawa ng Tsina ang ika-pitong pagsusog sa batas sa buwis ng bansa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio