Ayon sa ulat kamakailan ng Ministring Pinansyal ng Tsina, nitong isang taong nakalipas sapul nang palawakin ng pamahalaan ang pilot program ng pagpapairal ng value-added tax, nabawasan ng halos 700 bilyong yuan RMB ang buwis ng mga bahay-kalakal.
Sinabi ni Shi Yaobin, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, na ang pagbabawas ng buwis ng mga bahay-kalakal ay pinakamahalagang bunga ng pagpapairal ng value-added tax. Ito aniya ay nagpagaan ng pasanin ng mga bahay-kalakal, at makakabuti sa kanilang operasyon.
Dagdag ni Shi, sa pamamagitan ng pagpapairal ng value-added tax, ibayo ring napapabuti ang estruktura ng kabuhayan at industriya ng Tsina. Ito aniya ay maganda sa supply-side structural reform ng bansa.
Salin: Liu Kai