Ayon sa estadistika na inilabas nitong Biyernes, Oktubre 19, ng State Administration of Taxation ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumampas sa 11.2 trilyong yuan RMB ang kita sa buwis ng bansa, na mas mataas ng 13.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.
Kumpara sa ibang larangan, mas mataas ang kita sa buwis sa mga makabagong serbisyo at konsumo. Ipinakikita nito ang malagong pag-unlad ng mga sektor ng Internet +, information technology (IT), at inobasyon. Ipinakikita rin nito ang mabilis na paglaki ng konsumo ng mga mamamayang Tsino sa edukasyon, kalusugan, kultura, at libangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac