Ipinahayag Marso 3, 2019 ni Wang Xiaotao, Puno ng China State Bureau on International Development at Cooperation(CSBIDC), na binuo ang kanyang bureau noong 2018, at lumalawak ang pakikipagpalitan nito sa mga bansa sa daigdig, alinsunod sa tumpak na ideyang pangkaunlaran. Aniya, hangga't maari, nagbibigay-tulong ang CSBIDC sa mga umuunlad na bansa. Katanggap-tanggap ito sa komunidad ng daigdig, dagdag niya.
Sinabi rin niyang bilang isang umuunlad na bansa, isinasabalikat ng Tsina ang mabigat na tungkulin sa pagsasakatuparan ng kaunlarang pang-estado at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Aniya, ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa ibang bansa ay alinsunod sa aktuwal na kalagayan ng bansa.