Sa panahon ng kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina sa unang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina noong Marso 5, 2018, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat matibay na pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, pagpawi sa kahirapan, pambansang pagkakaisa, at katatagan sa purok-hanggahan, at itatag ang mas magandang hilagang purok-hanggahan ng bansa.
Upang ipatupad ang kahilingan ni Pangkalahatang Kalihim Xi, sinimulan ng Inner Mongolia ang bagong biyahe ng pagpawi sa kahirapan at hakbang ng de-kalidad na pag-unlad. Pinagsama-sama nito ang mga yaman na gaya ng karbon at rare earth, kinumpleto ang industrial chain, at pinasulong ang pagbabago at pag-a-upgrade ng estruktura ng industriya.
Sa pamamagitan ng mga hakbanging gaya ng preperensyal na presyo ng koryente, pagtataguyod ng pondo at iba pa, pinasulong ng Inner Mongolia ang pag-unlad ng mga bagong sibol na industriyang gaya ng bagong materiyal at bio-medisina.
Noong 2018, lumaki ng 17.1% ang added value ng hay-tek na industriya ng Inner Monglia kumpara sa taong 2017. Mahigit 200 ang bilang mga mga bagong dagdag na hay-tek na bahay-kalakal sa buong rehiyon.
Salin: Vera