Binuksan Marso 3, 2019, sa Beijing ang Ika-2 Taunang Sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong tagapayong organong pampulitika ng Tsina. Sa susunod na 10 araw, tuutpdin ng mahigit 2,000 kagawad ng CPPCC ang kanilang tungkulin.
Sa ngalan ng Pirmihang Lupon ng ika-13 CPPCC, iniharap ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC ang ulat sa sesyon. Nilagom ni Wang ang mga gawain ng CPPCC noong isang taon. Aniya, ang 2018 ay unang taon ng pagtupad ng tungkulin ng ika-13 CPPCC. Sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinangangalagaan ng CPPCC ang pagkakaisa at demokrasya, dagdag niya. Sinabi pa ni Wang, na pinatingkad ng CPPCC ang papel bilang organong tagapayo, iniharap ang mga mungkahi nagtipon ng komong palagay, at isinabalikat ang tungkulin ng pagsasakatuparan ng desisyon at prinsipyo ng Komite Sentral ng CPC. Pinagtipun-tipon din aniya ng CPPCC ang lakas ng mga mamamayang Tsino sa loob at labas ng bansa para sa pag-ahon ng nasyong Tsino.
Salin:Lele