Sinabi ni Li Keqiang, Premyer Tsino na noong 2018, ibayo pang nagbukas sa labas ang bansa at tumaas ang puwesto ng bansa kaugnay ng kapaligirang pang-negosyo sa iba' t ibang larangan, ayon sa pinakahuling ulat ng Doing Business Report ng World Bank.
Sa kanyang government work report sa seremonya ng pagbubukas ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sinabi rin ni Li na noong 2018, umabot sa 138.3 bilyong dolyares ang aktuwal na ginamit na pondong dayuhan ng bansa, na nanguna sa mga umuunlad na bansa. Bumaba rin ang panlahat na lebel ng taripa sa 7.5% mula sa 9.8%. Nabawasan din aniya ng Tsina ang Negative List hinggil sa pagpapasok sa pamilihang Tsino ng mga mamumuhunang dayuhan at ibayo pang nagbukas ang sektor na pinansyal at sasakyang-de-motor. Noong 2018, tumaas ng 70% ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal na dayuhan kumpara sa taong 2017, dagdag pa ni Li.
Salin: Jade
Pulido: Mac