Sa news briefing na idinaos Marso 4, 2019, sa Beijing ng Ika-2 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambasang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng NPC na ang limitadong laang-pondo para sa tanggulang bansa ng Tsina ay hindi magsasapanganib sa iba pang mga bansa.
Aniya, ang maayos na paglaki ng laang-gugulin ng Tsina para sa seguridad ng bansa ay angkop lamang sa pangangailangan ng repormang militar na may katangiang Tsino. Aniya, noong 2018, ang laang-gugulin para sa tanggulang bansa ng Tsina ay sinlaki lamang ng 1.3% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa. Ito aniya ay mas mababa kumpara sa mahigit 2% ng mga maunlad na bansa. Bukod dito, pinapanatili aniya ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at isinasagawa ang patakarang may katangiang depensibo.
Salin:Lele