|
||||||||
|
||
20190304Xi
|
Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga manunulat, alagad ng sining at teorista na palakasin ang kompiyansang pangkultura at paglingkuran ang mga mamamayan sa mahuhusay na akda.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtalakayan nitong Lunes, Marso 4, sa mga tagapayong pulitikal mula sa mga sektor ng kultura, sining, at agham na panlipunan, na kalahok sa idinaraos na taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organonong tagapayong pulitikal ng Tsina.
Kaugnay ng magaling na akda, nabanggit ni Jackie Chan, kilalang bituin at miyembro ng CPPCC ng Tsina ang Wandering Earth, hay-tek na pelikulang Tsino na inilabas noong unang dako ng taong ito. Ani Chan, "Maraming kaibigang dayuhan ko ang namamangha sa nasabing pelikula. Ikinalugod kong naging blockbuster ang Wandering Earth at may kakayahan din tayong magprodyus ng hay-tek na pelikula."
Si Jakie Chan
Sinabi naman ni Feng Yuanzheng, miyembro ng CPPCC at kilalang aktor ng Tsina, na ang prinsipiyo ng "lahat para sa mga mamamayan" ay pinakaunang pamantayan sa magaling na akdang kultural at kailangan itong isalin hene-henerasyon.
Si Feng Yuanzheng
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |