Ayon sa Government Work Report na iniharap ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, itinakda ng Tsina ang target ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa 2019 sa 6% hanggang 6.5%. Tinukoy ng ulat na, mas mahigpit ang kapaligirang kinakaharap ng pag-unlad ng Tsina sa taong ito, pero, hindi magbabago ang tunguhin ng pangmatagalang paglaki ng kabuhayan.
Itinakda rin ng ulat na lalampas sa 11 milyon ang karagdagang hanapbuhay sa mga lunsod ng Tsina at, gagawing priyoridad ang hanapbuhay sa marco-policy sa kauna-unahang pagkakataon.
Salin: Lele