Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na noong 2018, kahit naging masalimuot at mahirap ang kalagayan sa loob at labas ng bansa, maalwang naisakatuparan ng Tsina ang nakatakdang target sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan, at nagtamo ng malaking tagumpay sa komprehensibong pagtatayo ng lipunang mamumuhay nang may kaginhawaan ang mga mamamayan.
Sinabi ni Premyer Li na noong 2018, naisakatuparan ng Tsina ang 6.6% na paglaki ng kabuuang halaga ng GDP, na lumampas sa 90 trilyong Yuan, RMB. Samantala, 13.61 milyong mamamayan sa lunsod at bayan ang nagkaroon ng hanap-buhay, 13.86 milyong mahirap na mamamayan ang naiahon sa kanayunan, at mas malaki ng 6.5% ang karaniwang kita ng bawat tao, kada taon.