|
||||||||
|
||
Marso 5, 2019, binuksan sa Beijing ang Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang organong pangkapangyarihan ng Tsina. Iniulat sa pulong ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga gawain ng pamahalaan noong isang taon, at mga patakaran at estratehiya sa administrasyon sa kasalukuyang taon.
Noong 2018, kahit naging masalimuot at mahirap ang kalagayan sa loob at labas ng bansa, natapos ng Tsina ang mga pangunahing target at tungkulin ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, napanatili sa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayan, walang humpay na napabuti ang estrukturang pangkabuhayan, tumaas nang malaki ang international ranking ng kapaligirang komersyal, at komprehensibong lumawak ang pagbubukas sa labas.
Iniharap sa Government Work Report ang pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa taong 2019, itinayang lalaki ng 6% hanggang 6.5% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP).
Ayon kay Premyer Li, pabibilisin ng bansa ang pagtatatag ng modernong sistema ng pamilihan na may pinag-isang pamantayan, pagbubukas, at maayos na kompetisyon. Ibayo pa aniyang bubuuin ng Tsina ang legalisado, internasyonalisado, at maginhawang kapaligirang pang-negosyo.
Bukod dito, mas malawak na babawasan ng pamahalaan ang buwis, lalung-lalo na pabababain ang buwis sa industriya ng manupaktura at mga micro and small enterprise.
Iniharap din sa Government Work Report na pasusulungin ng Tsina ang komprehensibong pagbubukas sa labas, ibayo pang palalawakin ang mga larangan ng pagbubukas, at pasususlungin ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma, sa pamamagitan ng pagbubukas sa mataas na antas.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |