Ipinahayag Martes, Marso 5, 2019 ni Ni Yuefeng, Direktor ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na palagian at buong tatag na binibigyang-dagok ng Tsina ang isyu ng pagpupuslit ng mga basura mula sa ibayong dagat, at pinapalakas ng kanyang ahensiya ang pagsusuperbisa't pangangasiwa sa pag-aangkat ng mga solid rubbish. Dagdag niya, sa kasalukuyang taon, patuloy na isasagawa ng mga adwana ng Tsina ang mga hakbangin kontra sa pagpupuslit ng mga basura mula sa ibayong dagat.
Winika ito ni Ni nang kapanayamin ng mamamahayag pagkatapos ng pagbubukas ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang organong pangkapangyarihan ng Tsina.
Salin: Vera