Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong 2019, magsisikap ang Tsina para ipagpatuloy ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, bukas na win-win estratehiyang may mutuwal na kapakinabangan, at pangangalaga sa multilateralismo at sistemang pandaigdig na ang nukleo ay ang Karta ng UN. Magsisikap ang Tsina para lumahok sa reporma ng sistemang pampangangasiwa ng mundo, pangalagaan ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at maitatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan. Pahihigpitin ng Tsina ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga malaking bansa ng daigdig, pahihigpitin ang relasyon, kasama ng mga kapitbansa, at palalawakin ang pakikipagtulungang may mutuwal na kapakinabangan sa mga umuunlad na bansa. Mas maraming konstruktibong mungkahi ang ibibigay ng Tsina para harapin ang mga pandaigdigang pagbabago at lutasin ang mga mainit na isyung panrehiyon.