|
||||||||
|
||
Sinabi Marso 4, 2019 ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na ang pahayag ni John Bolton, National Security Adviser ng Amerika hinggil sa pagsasagawa ng "Monroe Doctrine" sa isyu ng Venezuela ay paglaban sa karapatan ng mga bansang Latino-Amerikano.
Ipinahayag kamakailan ni Bolton na nais ibagsak ng Amerika, kasama ng kanyang mga kaalyado ang pamahalaan ng Venezuela. Nais ng Amerika na isagawa ang "Monroe Doctrine" sa isyu ng Venezuela, ani Bolton.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |