|
||||||||
|
||
Si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina
Beijing – Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino, China Media Group kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation na idaraos sa Tsina sa katapusan ng darating na Abril.
Sa panahon ng porum, sinabi ng embahador na ihahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pananaw hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI), paano nito ma-i-po-promote ang rehiyonal at pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya, at makikipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang natakdang pagdalaw muli ni Pangulong Duterte sa Tsina ay isa na namang panibagong landmark at mahalagang pagsulong sa pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina, anang embahador.
Umaasa si Sta. Romana, na sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa Ikalawang BRF for International Cooperation, malalagdaan ng Pilipinas at Tsina ang mas marami pang kasunduan sa larangan ng siyensiya't teknolohiya, ekonomiya, at marami pang iba.
"Pagka nagkakaroon ng ganyang pagkakataon, nagkakaroon din ng pagkakataon ang dalawang gobyerno na lalo pang magkonsultahan at pag-usapan kung ano pang larangan ang puwedeng pahusayin pa," dagdag ni Sta. Romana.
Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |