|
||||||||
|
||
Martes, Marso 5, 2019, ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang isang 2 trilyong yuan RMB na plano sa malawakang pagbabawas sa buwis, upang harapin ang "mas masalimuot at mas matinding" kapaligirang pangkaunlaran sa kasalukuyang taon. Ang nasabing plano ay nakakapagpatingkad ng malaking lakas-panulak para sa real economy ng Tsina.
Para sa mga bahay-kalakal na may puhunang dayuhan na namumuhunan o bumabalak na mamuhunan sa Tsina, ang pagtatamasa ng national treatment ay nangangahulugang makikinabang din sila sa plano ng pamahalaang Tsino sa pagbabawas ng buwis.
Ayon sa Government Work Report na isinumite ni Premyer Li Keqiang ng Tsina para sa pagsusuri ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sa taong 2019, palalalimin ng Tsina ang reporma sa value added tax, pabababain sa 13% ang buwis ng industriya ng pagyari, mula kasalukuyang 16%; pabababain sa 9% ang buwis ng mga industriya ng transportasyon, arkitektura at iba pa, mula umiiral na 10%; kasabay ng pagpapanatili ng umiiral na 6% buwis, igagarantiya ang pagbabawas ng buwis ng lahat ng mga industriya, sa pamamagitan ng mga hakbanging gaya ng pagdaragdag ng tax credit sa mga industriya ng serbisyo na may kinalaman sa produksyon at pamumuhay.
Bukod sa nabanggit na mga hakbangin, humiling ang panig opisyal ng Tsina sa malalaking bangkong ari ng estado na palakihin ng 30% pataas ang pautang sa mga small at micro enterprise, pag-ibayuhin ang pagpapababa ng deposit reserve ng mga katamtaman at maliit na bangko, para mabigyan ng karagdagang pautang ang mga private, small at micro enterprises.
Ang paglalabas ng nasabing serye ng mga hakbangin ay alang-alang sa kalagayang pangkaunlaran sa loob at labas ng Tsina. Sa anggulong pandaigdig, bumagal ang paglago ng kabuhayang pandaigdig, di-matatag ang kabuhayan sa Euro Zone, nagiging masalimuot ang kabuhayang Amerikano, at nangingibabaw ang mga di-tiyak na elementong gaya ng pag-alis ng Britanya sa Unyong Europeo (Brexit), at alitang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika. Sa pananaw ng Tsina naman, tumataas ang presyur na dulot ng pagbagal ng paglago ng kabuhayan, at dapat pigilan ang iba't ibang panganib.
Ang napapanahong paglulunsad ng Tsina ng hakbangin sa pagbabawas ng buwis ay naglalayong bawasan ang presyur ng mga bahay-kalakal, at pasiglahin ang lakas-panulak ng pamilihan. Lilikhain ng aksyong ito ang mas maraming hanap-buhay, igagarantiyang hindi bumaba ang kita ng mga mamamayan, sa gayo'y pasusulungin ang konsumo, itatatag ang isang malakas na pamilihan ng konsumong panloob, at babawasan ang pagsandal ng kabuhayang Tsino sa pagluluwas.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |