Sinabi ngayong araw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, bumibilis ang pagsasanggunian ng Tsina at may kinalamang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea, at napakalinaw na ng roadmap kaugnay nito.
Sa preskon ng idinaraos na ikalawang taunang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, saad ni Wang, upang ipakita ang katapatan at pagiging responsable, kusang iniharap ng Tsina na tapusin ang nasabing pagsasanggunian sa 2021.
Dagdag pa ni Wang, ilalabas ng Tsina ang matatamong progreso sa talastasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac