Pumasok kamakailangang guided-missile destroyer ng Amerika na USS "McCampbell" (DDG-85) sa rehiyong pandagat sa paligid ng Xisha Islands ng Tsina, at nagsagawa ng di-umano'y "malayang nabigasyon" sa South China Sea (SCS). Tungkol dito, ipinahayag Enero 9, 2019 ni Zhang Junshe, Tagapagsaliksik ng Military Art Research Institute ng Hukbong Pandagat ng Tsina na ang di-umano'y "malayang nabigasyon" sa SCS ay huwad na proposisyon.
Aniya, halos 100 libong bapor ay dumaraan ng SCS bawat taon, at hindi naaapektuhan ang nabigasyon ng anumang bapor sa rehiyong ito. Isinalaysay niyang itinatag na ng Tsina at iba't ibang bansa ang mekanismong pangkooperasyon para maigarantiya ang kaligtasan ng nabigasyon sa SCS. Ang paglapastangan ng bapor pandigma ng Amerika sa seguridad at soberanya ng Tsina ay mali, at kinokondena ng Tsina ang aksyong ito.
Salin:Lele