Ipinahayag Nobyembre 16, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng mga bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang panig hinggil sa pagtapos sa negosasyon sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa loob ng tatlong taon.
Sinabi ni Hua, na sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng ASEAN, nananatiling matatag ang kasalukuyang kalagayan sa South China Sea, at natamo ang progreso sa negosasyon ng COC. Aniya, sa Ika-21 Leader's Meeting ng Tsina at ASEAN sa Singapore, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na tapusin ang negosasyon ng COC sa loob ng tatlong taon. Ito aniya'y nagpapakita ng katapatan at mithiin ng Tsina sa pangangalaga, kasama ng mga bansa ng ASEAN sa kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.