Isang pagtitipun-tipon bilang pagdiriwang sa Pandaigdig na Araw ng Kababaihan ang idinaos sa Beijing, nitong Huwebes, Marso 7, ng All-China Women's Federation. Lumahok dito ang mahigit 1,000 kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng bansa, kasama ng mga diplomata at dalubhasang dayuhan.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Shen Yueyue, Presidente ng pederasyon ang kahandaan ng mga babaeng Tsino na magkapit-bisig, kasama ng mga babaeng dayuhan, para itatag ang mas magandang mundo para sa lahat ng mga babae at tao.
Si Shen Yueyue
Salin: Jade
Pulido: Mac