Upang maakit ang mas maraming turistang babae, itinakda ng Kawanihang Panturismo ng Thailand ang buwan ng Agosto bilang "Buwan ng Kababaihan." Idinaraos ito kasabay ng pagdiriwang sa ika-84 na kaarawan ni Reyna Sirikit ng bansa.
Ang isa sa mga aktibidad ng selebrasyon ay Paligsahan ng Pagluluto na ginanap sa Bangkok. Inanyayahang lumahok dito ang mga kinatawang babaeng Tsino mula sa sektor ng moda at media.
Ayon sa Kawanihang Panturismo ng Thailand, layon ng paligsahan ay ipakilala sa mga potensyal na turistang babaeng Tsino ang hinggil sa pagkain at kulturang Thai sa pamamagitan ng pagluluto ng tradisyonal na putaheng Thai.
Salin: Jade
Pulido: Mac