Ipinahayag Marso 10, 2019 ni John Bolton, National Security Adviser ng Amerika, na optimistiko si Pangulong Donald Trump sa posibleng pagdaraos ng ikatlong pakikipagdiyalogo kay Kim Jong Un, Kataas-taasang lider ng DPRK.
Subalit, sinabi rin ni Bolton na hindi inaasahan ng panig Amerikano ang agarang paglalagda, kasama ng DPRK ng mga may-kinalamang kasunduan. Dagdag pa niya, kailangan munang malaman ng Amerika ang mga kongkretong aksyong isinasagawa ng DPRK sa pagsasakatuparan ng mga pangako nito.