Sinabi Martes, Marso 5, 2019 ni John Bolton, Security Adviser ng Pangulong Amerikano, na kung ayaw ng Hilagang Korea (DPRK) na itakwil ang sandatang nuklear, hindi aalisin ng Amerika ang sangsyon sa Hilagang Korea, sa halip, pag-iibayuhin nito ang sangsyon.
Winika ito ni Bolton sa isang eksklusibong panayam ng FOX News Channel ng Amerika. Aniya, pagkatapos ng ika-2 pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, posibleng gumawa ang Hilagang Korea ng kapasiyahan, para ipakitang mayroon itong katapatan o hindi sa pakikipagdiyalogo sa Amerika, at masigasig na pagsasakatuparan ng denuklearisasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Vera