Ayon sa Grupo ng Mosyon ng Sekretaryat ng Ika-2 Taunang Sesyon ng Ika-13 na Pambasang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), hanggang sa itinakdang deadline para sa pagtanggap ng mga mosyon, iniharap ng mga kinatawan ng NPC ang 491 mosyon, at karamihan sa mga ito ay lehislatibong mosyon.
Ipinahayag ni Guo Zhenhua, Puno ng Grupo ng Mosyon ng Sekretaryat ng NPC na ang 487 ng 491 mosyon ay para sa lehislasyon. Aniya, ang mga mosyon ay nagpopokus sa proteksyon ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR). Bukod dito, iniharap din ang mga mosyon hinggil sa hey-tek, halimbawa, big data, artificial intelligence (AI), at unmanned driving, at mayroon din mga hinggil sa pamumuhay ng mga mamamayan, halimbawa, proteksyon ng karapatan ng mga bata at babae, seguridad ng pribadong impormasyon, at iba pa.
Salin:Lele