Sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at katatapos na taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), kung paanong pasulungin ang malusog at may mataas na kalidad na pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal ay nagiging tampok ng mga kinatawan at kagawad.
Ayon sa Government Work Report (GWR) na iniharap ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa NPC, lalaki ng mahigit 30% ang utang ng mga bangkong ari ng bansa sa mga maliit at micro na bahay-kalakal. Ipinahayag ni Gu Shengzu, Kagawad ng CPPCC at ekonomista na iniharap ng GWR ang mga aktuwal na hakbangin para lutasin ang mga kahirapan ng pribadong bahay-kalakal, halimbawa, hinihimok ang mas maraming kapital para itatag ang pribadong bangko, at bangko ng komunidad, para kumatig sa mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal.
salin:Lele