Upang mapanatili ang pambansang kapayapaan at kaunlaran, buong sikap na ipinapauna ng hudikatura at prokuratura ng Tsina sa iba't ibang lebel ang interes ng mga mamamayang Tsino, at pinaparusahan ang mga lumalabag sa batas na gaya ng katiwalian at paglapastangan sa copyright. Upang matupad ang pangako ng ibayo pang pagbubukas, pinapabuti rin ng Tsina ang mga serbisyong hudisyal para maprotektahan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) at makalikha ng mainam na kapaligirang pang-negosyo.
Ito ang ipinahayag ni Zhou Qiang, Punong Mahistrado ng Tsina at Zhang Jun, Punong Prokurador ng Tsina sa mga ulat ng Kataas-taasang Hukuman at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng bansa na iniharap sa idinaraos na taunang pambansang sesyong lehislatibo, para suriin.
Mababasa sa nasabing mga ulat ang mga natamong progreso ng Kataas-taasang Hukuman at Kataas-taasang Prokuratura nitong 2018 at plano para sa taong 2019.
Dumalo sa pagsuri sa mga ulat ang mga mambabatas na kalahok sa ginaganap na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Lumahok din ang mga liderato ng Tsina na pinangungunahan ni Panagulong Xi Jinping.
Salin: Jade
Pulido: Mac