Nakahanda ang Tsina na ilabas ang mas maraming preperensyal na patakaran para mapaginhawa ang pamumuhunan, pagtatrabaho, pag-aaral, at pamumuhay ng mga kababayang Taiwanese sa mainland ng bansa.
Winika ito ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Kasabay nito, patuloy na pasusulungin ng pamahalaang Tsino ang pagpapatupad ng mga pamahalaang lokal sa 31 hakbang na layong magdulot ng benepisyo para sa mga kababayang Taiwanese, dagdag pa ni Li. Noong Pebrero 28, 2018, inilunsad ng pamahalaang Tsino ang nasabing 31 hakbang. Sa kasalukuyan, aabot sa 72 pamahalaang lokal sa mainland ng bansa ang nagpalabas ng mga konkretong hakbangin para ipatupad ang 31 hakbang.
Salin: Jade
Pulido: Mac