Sa unang news briefing na idinaos Miyerkules, Enero 16, 2019, ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Taiwan, ipinahayag ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng tanggapang ito, na sa kasalukuyang taon, may kakayahan ang Tsina na pagtagumpayan ang iba't-ibang uri ng hamon at panganib para mapasulong ang proseso ng mapayapang unipikasyon ng Inangbayan.
Sinabi ni Ma na ang taong 2019 ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng bagong Tsina. Ito rin aniya ay 40 anibersaryo ng pagpapalabas ng "Mensahe para sa mga Kababayan sa Taiwan" ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at pagharap ng patakaran ng mapayapang unipikasyon. Sa kasagsagan ng bagong taon, inilabas ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mahalagang talumpating pinamagatang "Magkakasamang Pagsisikap Upang Maisakatuparan ang Dakilang Pag-ahon ng Buong Nasyon at Mapasulong ang Mapayapang Unipikasyon." Ito aniya ay nakapagbigay ng pundamental na patnubay sa mga gawain sa Taiwan sa bagong siglo.
Salin: Li Feng