|
||||||||
|
||
Ipininid dito sa Beijing Biyernes, Marso 15, 2019 ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Nang makipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino't dayuhan nang araw ring iyon, muling ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na tiyak na mananatili sa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayang Tsino, para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad. Nagsisilbing ini-upgrade na makina ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino ang bagong lakas-panulak na pinamumunuan ng inobasyon. Ito ay hindi lamang patuloy na makakapagpabuti sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi makakapaghatid din ng pagkakataon ng win-win development sa buong daigdig.
Isang serye ng mga magandang impormasyon ang ipinadala sa panahon ng kapipinid na sesyon ng NPC. Ang mga impormasyong ito ay makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan at bahay-kalakal, at patuloy na makakapagpabuti sa kapaligirang pangkaunlaran ng Tsina. Halimbawa, ang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan na pinag-tibay sa sesyon ng NPC ay makakabuti sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, at lilikha rin ng legalisado, internasyonalisado, at maginhawang kapaligirang pang-negosyo. Ikinasisigla rin ng pamilihan ang ibang mga positibong impormasyon na gaya ng pagsasagawa ng mas malawakang pagbabawas sa buwis at gastos, pagpapalalim ng reporma sa pagpapadali ng administrasyon, pagbibigay-kapangyarihan sa mababang yunit ng pamahalaan, at pagpapabuti ng serbisyo, at iba pa.
Ayon sa Wall Street Journal, pagpasok ng kasalukuyang taon, tumaas ng 18% ang Shanghai composite index, benchmark stock index ng Tsina.
Pinuri naman ng International Monetary Fund (IMF) ang hakbangin ng Tsina sa pagbabawas ng buwis at pagpapababa ng gastos. Ipinalalagay nitong tumpak ang kapasiyahan ng Tsina na itinuturing target ng pagpapasigla ng kabuhayan ang pagpapasulong sa konsumong panloob, at magbubunsod ito ng mas de-kalidad na paglago ng kabuhayan.
Diin ng Premyer Tsino, nananatiling mapagbigay at maingat ang simulain ng Tsina sa mga bagong porma ng negosyo at bagong modelo. Dapat aniyang pahintulutan ang pag-unlad ng mga ito, at iwasto ang mga problema sa proseso ng pag-unlad. Nangako ang pamahalaang Tsino na pasulungin ang makatarungang market access, pagsusuperbisa at pangangasiwa, para ipagkaloob ang espasyo sa pagtubo ng mga taong nagpapasimula ng sariling negosyo, at likhain ang kapaligiran ng pagpapaunlad ng bagong lakas-panulak sa mga bahay-kalakal.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |