Ipinangako ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mas malaking pagbabawas ng buwis at bayarin ng mga kompanya para mabigyan sila ng dibidendong nagkakahalaga ng 2 trilyong yuan RMB (297 bilyong dolyares).
Winika ito ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Ani Li, babawasan ng bansa ang value-added tax ng industriya ng paggawa at ibang mga basic sector, at mga katatamang laki at maliliit na bahay-kalakal, bilang tugon sa presyur na pababa ng paglaki ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac